Anong gagawin ko kung wala akong natanggap na OTP para sa TrueMoney NegoApp upgrade ko?
Ikaw ba ay walang natanggap na OTP para sa TrueMoney NegoApp upgrade mo? Narito ang mga steps na pwede mong gawin:
Step 1: Tingnan kung ang mobile phone ay may signal
Step 2: Kung ang mobile phone ay may signal, tingnan kung may sapat na storage pa ang mobile phone at pwede pa itong makatanggap ng mga text messages. Kung maaari, mag-send ng test message sa mobile number na hindi nakakatanggap ng text mula sa TrueMoney.
Step 3: Subukang i-restart ang mobile phone.
Step 4: Mag balance inquiry para makita kung may sapat na load ang mobile number at pwede pa itong makapag send o receive ng text messages.
Step 5: Kung nakakapagtanggap ng SMS ang iyong mobile phone, maaari kang mag request for resend ng ibang OTP sa iyong TrueMoney NegoApp.
Step 6: Kung nagawa na ang lahat ng steps, at wala pa rin natatanggap na OTP, maaari mag message sa TrueMoney Customer Loyalty team via Facebook Messenger o Email sa [email protected] gamit ang email subject na Request for OTP. Wag kalimutang i-send ang mga sumusunod na detalye:
EDC S/N
PA Name
Store Name
Para sa Login related concerns, i-check lamang ang mga articles na ito:
Ano gagawin ko kung nagkakaroon ako ng error sa NegoApp PIN ko
Maari bang mag-log in sa NegoApp sa iba’t-iba ang devices kahit iisa lamang ang account mo?