Feature image

Paano ba maiwasan ang device errors?


Paano ba maiwasan ang device errors?

Minsan hindi maiiwasang makaranas ng failed transactions dahil sa iba’t ibang rason pero kayang kaya mo ‘tong maayos upang makapag-bigay serbisyo sa mas madaming suki at mas lumaki pa ang kita.

Sa mga sitwasyong makakaranas ka ng isang failed transaction o device error, maaari mong subukan ang mga susunod na tips: 

.

Bago ang lahat, siguraduhing tama ang mga detalyeng ini-input para sa iyong mga transaksyon.

Sa bawat transaction, kailangang sakto at tama lagi ang mga information na nilalagay. Halimbawa, sa pag-inuput ng amount, dapat sakto. Kung P1445.60 ang bill, kailangang saktong P1445.60 ang ilagay. Wag i-round off. 

.

Tip # 1 – I-check mo muna kung magkano ang natitirang balance sa iyong deivice

.

Tip # 2 – I-check kung updated ang version ng TrueMoney device mo

Sinisigurado ng TrueMoney technology team na tuluy-tuloy ang pagpapaganda sa systema ng TrueMoney at pagbigay ng bagong mga serbisyo na dadagdag sa inyong kita. Upang masigurado na matatanggap ng iyong device ang updates at makaiwas sa mga erors, 

Ang lahat ng TrueMoney devices ay nakakatanggap ng technology updates regularly at dapat sinusunod ang pag-update ng version. Kung hindi mo nagawa ang pag-update ng device, i-update ang device sa latest version.

Tip # 3 – Siguraduhing may signal

Minsan, mahina talaga ang signal ng Smart o Globe sa iba’t ibang lugar dahil sa iba’t ibang rason. Pero isa ito sa mga madalas na dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang transaction mo. I-check kung may signal kung may bars ang signal bar. Kung wala, subukang lumipat lipat ng pwesto para makasagap ng signal at kung wala padin, i-restart ang device at i-check ulit. 

.

Tip # 4 – I-on and i-off ang TrueMoney device

Maaari mong i-restart ang iyong TrueMoney device. Palipasin munang naka-off o naka-patay ang device nang limang minuto at i-on ulit. 

.

Tip # 5 – Baka mahina ang iyong internet, kumonekta sa LAN cable

Maaari mong din i-connect ang iyong TrueMoney device gamit ang LAN cable para sa direktang connection sa Internet. Pwede mo din gawin ito kapag mahina ang signal sa iyong lugar. 

Kung hindi padin sapat ang mga tips na ito, laging handang tumulong ang TrueMoney customer service team.

Subscribe to our Newsletter