fbpx
Feature image

Paano kung nagkamali ako sa pag-process ng bills payments?

Reversal process ang tamang paraan kapag may mga mga failed transaction na kinakailangang i-refund ang payment sa customer. Kadalasan nangyayari ito dahil mali ang detalye na nailalagay, nadodoble ang transaction, o sobra ang amount.

Kaya para maiwasan ang hassle sa business at lalong lalo na sa customer, palaging siguraduhin na tama ang contact number at iba pang mga detalye na inilalagay sa device. Dahil ang pagproseso ng mga reversals ay naka-depende sa Bayad Center, EC Pay, at sa mga billers, maaaring tumagal ang pagproseso ng mga reversals.

Sa mga panahong hindi maiwasan ang mga failed transaction, narito ang mga pwede mong gawin:

Step 1: Kung ito ay double posting o kaya sobra ang amount na nabayaran, tanungin si customer kung gustong magbayad ng advance. Kung papayag si customer maaari mo na rin kunin ang bayad para sa overpayment! 

Step 2: Kung hindi pumayag si customer at kailangan i-reverse ang transaction, i-check kung tama ang mga nailagay na info na makikita sa transaction slip – contact number, account number, at saktong amount ng total due payment. 

Step 3: Kapag confirmed na may pagkakamali sa mga nailagay ng information, i-download ang reversal request form:

Step 4: Fill-upan ang reversal request form at papirmahan sa customer. Kailangan ng pirma ng customer para ma-confirm ang transaction. 

Kung hindi na available para pumirma si customer, maaaring ikaw na ang pumirma

Step 5: I-scan o picturan ang accomplished at signed reversal request form at i-send sa [email protected] gamit ang subject line na: Payment reversal. Wag kalimutang isama ang scanned copy ng mismong bill o SOA pati narin ang transaction slip. Siguraduhing malinaw ang pagkaka-scan o pagkaka-picture ng reversal request form.

Subscribe to our Newsletter