Sa TrueMoney, Abot Kaya Na Ang Insurance Para sa Lahat
Maraming hindi inaasahang aksidente o sakit sa ating mundong ginagalawan. Minsan, sa kahit anong ingat mo, may mga insidenteng hindi pa rin talaga maiiwasan. Pero ang pwedeng maiwasan ay ang biglaang gastos sa mga sakunang hindi inaasahan.
Ang Tunay Mag-Alaga insurance, kasama ang Bankers Assurance, ay nagbibigay ng tulong sa unexpected death at medical expenses sa halagang one-time fee na P25 na may coverage na P20,000 para sa tatlong buwan. Sa P25, malayo na ang mararating mo. Magkakaroon ka ng karamay sa mga hindi inaasahang pangyayari, lalo na sa mga taong mahal mo. Maaaring taasan ang halaga ng iyong investment para sa mas mahabang coverage ng insurance hanggang apat, anim, o isang taon.
Sa Set Ka Na insurance, kasama ang FWD Life Insurance, may 1-year coverage ka naman para sa mga aksidente sa halagang P95 lang. Kahit sinong mamamayan na may edad 18 – 50 years old ang maaaring mag-avail ng Set Ka Na insurance.
How to apply for an insurance through TrueMoney?
- Mag-punta sa kahit saang TrueMoney Center. Maaari mong tignan sa TrueMoney Center locator kung saan ang pinakamalapit sa iyo.
- Pumili ng insurance package through our accredited insurance partners.
- I-enroll ang sarili o ang iyong pamilya. Kailangang ilagay ang kumpletong pangalan, birthday, at mobile number.
- Kapag confirmed na ang insurance, makakareceive ng text message ang nag-apply ng Proof of Cover (POC) number. Ang POC ang ipapakita sa oras na kailanganing i-claim ang insurance.
How to claim insurance?
Magpunta lamang sa www.truemoney.com.ph/magclaim. Kailangang ma-submit ang claim sa loob ng 7 working days mula sa petsa ng aksidente. Ito ang mga kailangan i-handa:
- Proof of Cover (POC) number na natanggap mula noong bilhin ang insurance.
- Valid ID (Government-issued)
- Para sa Death Claim, kailangan ng death certificate (certified by local registrar)
- Para sa Medical Reimbursement Claim, kailangan ng kopya ng mga official receipts ng actual medical expenses.
- Para sa Medical Reimbursement Claim, kailangan ng medical certificate na na-issued ng doktor na nag-asikaso.
Mabuti nang maging handa kaysa hindi. Mag-punta lang sa link na ito para sa kumpletong listahan ng mga insurance na para sayo.