Feature image

TrueMoney, ang One-Stop Shop Bills Payment Center na Malapit at Mura

Alam ng TrueMoney na pagdating sa bills payment, kailangang malapit, kumpleto, at sigurado. Sa dami na ng iniisip mo sa bayarin, huwag nang pahirapan ang sarili sa paghahanap ng payment center. 

How to pay my bills?

Sa TrueMoney, hindi mo na kailangan pang bumyahe nang malayo para lamang makapag-bayad ng bills. Ito na ang one-stop shop bills payment center mo para sa lahat ng iyong mga bayarin. Kumpleto dito, may Meralco, PLDT, Manila Water, at iba pa!

Ang suki mong TrueMoney Center na ang bahala sa iyo. Sa higit na 200+ na billers na pwede mong bayaran sa TrueMoney, tiyak na andito na lahat ang kailangan mo. Sigurado ka pang bayad, dahil sa bawat bills payment transaction mo, mayroon kang matatanggap na transaction slip o resibo na naglalaman ng lahat ng detalye ng iyong payment. Mayroon ka ding text message na matatanggap para sa confirmation. Nagsisilbi din itong proof of transaction kung sakaling magkaroon ng problema sa iyong statement of account.

Maiiwasan mo din ang overdue charges at disconnection, dahil sa mabilis na turnaround time ng iyong bills payment sa TrueMoney. Para ka na ding nagbayad ng bills online dahil sa real-time results kapag sa TrueMoney nagbayad ng bills.

Available ang kuryente, tubig, landline at mobile, government contributions, credit card payments, cable subscription, loans, airline fare, at iba pa. Halos lahat ng provincial electricity at water payments ay nandito sa TrueMoney- mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Hindi mo na din kailangan lumayo pa sa pagbayad ng government contributions dahil mayroon na ding PhilHealth, NBI clearance, SSS, at iba pa. Maari mong i-check sa link na ito ang kumpletong listahan ng billers sa TrueMoney Center.

Sa mahal ng bilihin at pamasahe ngayon, mas pipiliin mo na talagang lumakad lang sa malapit na payment center para makapag-tipid sa pamasahe. Good news sa iyo, dahil siguradong may malapit na TrueMoney Center sa iyo. Pumunta sa TrueMoney Center locator para makita ang pinakamalapit sa iyong barangay out of the 20,000 stores nationwide. Ang presyo sa bawat bills payment ay iba bawat biller. 

Subscribe to our Newsletter