Paano mag-cash pick-up sa TrueMoney ng International Padala mula sa Western Union?
(Paalala, ito ay para lamang sa piling TrueMoney Western Union Agents. Kung kayo ay eligible na maging Western Union agent, kayo ay makakatanggap ng SMS mula sa TrueMoney)
Bago makapag cash pick-up ang customer sa iyong TrueMoney center, kailangan niya ng mga sumusunod:
- Valid ID
- MTCN code o padala code galing sa Western Union
- Mobile number
Para sa agent, siguraduhing may sapat na cash on hand bago magsagawa ng cash pick-up transaction. Karaniwang malalaki ang amount ng international cash pick-up.
Mas pinadaling eKYC
Bilang isang Western Union agent, ikaw ay maaari nang magsagawa ng paperless eKYC sa iyong customer! Sa isang beses na eKYC registration ng bawat customer, mas madali na ang mga susunod na transaction gamit ang kanilang registered mobile number.
Alinsunod sa BSP regulations, lahat ng TrueMoney center agent ay required na magsagawa ng KYC sa lahat ng customers.
Step 1: Piliin ang Western Union sa International Remittance menu.
Step 2: I-input ang Western Union MTCN code o padala code.
Step 3: I-check kung merong sapat na pondo o cash on hand.
Gawin ang sumusunod na steps kung hindi pa nakapag-eKYC ang customer. Kung nakapag-eKYC na, proceed to Step 11.
Step 4: Kunan ng litrato ang front and back ng valid ID at papirmahin ang customer sa device
Siguraduhing ang valid ID ay may ID number, picture, full name, date of birth, pirma
Step 5: I-input at kumpletuhin ang customer information
Step 6: I-input ang address ng customer
Step 7: I-input ang employment details ng customer
Step 8: Ipabasa sa customer ang agreement at ipa-press ang “Agree” kung sang-ayon siya sa pag-kolekta ng impormasyon.
Step 9: Ipa-input sa customer ang one-time PIN (OTP) na natanggap niya via SMS.
Step 10: SUCCESS! Registered na ang iyong customer. Maaari nang gamitin ang mobile number sa susunod na mga transaction. Ipagpatuloy ang 2 last steps.
Step 11: Ipakita sa customer ang cash pick-up details at papirmahin sa device.
Step 12: Success! I-print ang transaction slip at ibigay sa customer.