fbpx
Feature image

System-Wide Upgrade mula November hanggang March 2021!

Greetings ka-True,

Sa kabila ng challenges na hinarap natin ngayong taon, ikinagagalak naming ibalita ang system-wide improvement sa mga susunod na buwan. Introducing the TrueMoney NegoApp, ang all-in-one negosyo partner mo!

Ang pinaka-bagong platform na ito ay binuo ng TrueMoney product at tech team para mas mapaigi ang iyong experience bilang isang store owner. Ilan sa mga product highlights nito ay ang mga sumusunod:

FAQ:
Ano ang TrueMoney Negosyo app?

Ito ay isang enhanced system o app software version na mas pinaganda, mas pinabilis, at upgraded TrueMoney services para mas maging secure at reliable ang agent experience sa bawat transaction.

Kailan ako magkakaroon ng access dito?
Ang activation ay magaganap per batch para sa bawat agent mula November hanggang March. Makakatanggap ng SMS at announcements sa inyong device from TrueMoney kung kailan ang exact date at iba pang detalye tungkol dito. Siguraduhing updated ang iyong contact information.

Bakit magkakaroon ng upgrade?

Ginawa ito bilang solusyon para maging mas reliable at compliant sa BSP regulations at para maging handa sa marami pang idadagdag na TrueMoney products and services.

Yours Truly,

The TrueMoney Team

Subscribe to our Newsletter