Bakit mali ang wallet balance ko?
May bawas ba o sobra ang wallet balance mo? Nakaranas ka ba ng double transaction? Tingnan ang guide na ito para malaman kung paano mo ito maaayos:
Step 1: Tingnan ang daily o monthly transactions at siguraduhin na walang nakaligtaan na transaction.
Kung ikaw ay nakapag update na sa bagong TrueMoney NegoApp, maaari mong gamitin ang Transaction History feature sa loob ng Account page para iyong makita ang iyong transaction history:
Step 1: Go to My Account
Step 2: Go To Transaction History
Step 2: Kung hindi pa rin tugma ang wallet balance pagkatapos mong i-verify ang iyong transactions, maaari mong i-contact ang TrueMoney Customer Loyalty team via Facebook Messenger o Email sa support@truemoney.com.ph gamit ang email subject na Transaction history request para makuha ang iyong transaction history at ma-verify ang iyong wallet balance. Wag kalimutang i-send ang mga sumusunod na detalye:
- Date range of transactions
- EDC Serial number o Device number
- Store name
- Name
- Para sa mga email requests, gamitin ang subject na: Transaction history request
Ang turnaround time para sa wallet balance concerns ay 3 hours.