fbpx
Feature image

Anong gagawin ko kung wala akong natanggap na SMS mula sa TrueMoney?

Ikaw ba o si suki ay walang natanggap na SMS mula kay TrueMoney? Hindi pa ba dumarating ang iyong padala code o kaya ang SMS receipt? Narito ang mga steps na pwede mong gawin:

Step 1: Tingnan kung ang mobile phone ay may signal.

Step 2: Kung ang mobile phone ay may signal, tingnan kung may sapat na storage pa ang mobile phone at pwede pa itong makatanggap ng mga text messages. Kung maaari, mag-send ng test message sa mobile number na hindi nakakatanggap ng text mula sa TrueMoney. 

Step 3: Subukang i-restart ang mobile phone.

Step 4: Kung nagawa na ang lahat ng steps, at wala pa rin natatanggap na SMS, maaari mag message sa TrueMoney Customer Loyalty team via Facebook Messenger o Email sa [email protected] gamit ang email subject na Resend SMS. Wag kalimutang i-send ang mga sumusunod na detalye:

Customer: 

  • Sender Number (Para sa mga Padala Transactions)
  • Receiver Number (Para sa mga Padala Transactions) 
  • Amount 
  • Date of Transaction
  • Transaction Number

Agent: 

  • EDC Serial Number
  • Agent Name
  • Store Name
  • Sender Number
  • Receiver Number
  • Amount
  • Date of Transaction

Ang turnaround time sa pag-request ng resend SMS via email o Facebook messenger ay within 3 hours

Subscribe to our Newsletter