Anong gagawin pag hindi natanggap ni suki ang GCash Cash-in niya?
Hindi ba pumasok sa GCash wallet ng customer mo ang cash-in niya kahit na nabawas ang balance mula sa iyong TrueMoney wallet? Sundan ang guide na ito para malaman kung ano ang dapat gawin!
Step 1: Siguraduhing na-debit ang amount mula sa iyong TrueMoney wallet. I-check ang iyong transaction history o mag check balance.
Step 2: Kung nabawas na ang amount mula sa iyong TrueMoney wallet, sabihan si customer na i-check ang transaction history sa kanyang GCash wallet. Subukang i-refresh ang kanyang GCash app pagkatapos ng ilang minuto para makasiguro.
Step 3: Kung nagawa na ang first two steps at hindi parin natanggap ni customer ang cash-in, maaaring i-contact ang Customer Support team ng GCash para ma-confirm kung successful ang transaction sa kanilang system. Maaaring ma-contact ang GCash sa mga sumusunod:
- Tumawag sa 2882
- Email [email protected]
Step 4: Kung hindi mahanap ng GCash ang transaction sa kanilang system, maaari mo rin ma-contact ang TrueMoney Customer Loyalty team via Facebook Messenger o Email sa [email protected] gamit ang email subject na: GCash cash-in Wag kalimutang i-send ang mga sumusunod na detalye:
- Amount of transaction
- Transaction number
- Date and time of transaction
- EDC Serial number o Device number
- Store name
- Store Owner name
- Para sa mga email requests, gamitin ang subject na: GCash Cash-in