fbpx
Feature image

Anong gagawin pag hindi natanggap ni suki ang GCash Cash-in niya?

Hindi ba pumasok sa GCash wallet ng customer mo ang cash-in niya kahit na nabawas ang balance mula sa iyong TrueMoney wallet? Sundan ang guide na ito para malaman kung ano ang dapat gawin! 

Step 1: Siguraduhing na-debit ang amount mula sa iyong TrueMoney wallet. I-check ang iyong transaction history o mag check balance. 

Step 2: Kung nabawas na ang amount mula sa iyong TrueMoney wallet, sabihan si customer na i-check ang transaction history sa kanyang GCash wallet. Subukang i-refresh ang kanyang GCash app pagkatapos ng ilang minuto para makasiguro. 

Step 3: Kung nagawa na ang first two steps at hindi parin natanggap ni customer ang cash-in, maaaring i-contact ang Customer Support team ng GCash para ma-confirm kung successful ang transaction sa kanilang system. Maaaring ma-contact ang GCash sa mga sumusunod: 

Step 4: Kung hindi mahanap ng GCash ang transaction sa kanilang system, maaari mo rin ma-contact ang TrueMoney Customer Loyalty team via Facebook Messenger o Email sa support@truemoney.com.ph gamit ang email subject na: GCash cash-in Wag kalimutang i-send ang mga sumusunod na detalye:

  • Amount of transaction
  • Transaction number
  • Date and time of transaction
  • EDC Serial number o Device number
  • Store name
  • Store Owner name
  • Para sa mga email requests, gamitin ang subject na: GCash Cash-in

Subscribe to our Newsletter