fbpx
Feature image

NegoApp Activation for Subwallet Agents Using the TrueMoney G8 Device

Good day ka-True! Malapit na ang activation mo sa bagong TrueMoney NegoApp!

ALL-IN-ONE

Pinagsama lahat ng magagandang services mula sa iba’t ibang TrueMoney platforms para mas maging madali ang agent experience mo sa bawat transaction.

SECURE & RELIABLE

System-wide na ang electronic KYC para sa mas reliable na transactions mo at ng iyong mga suki. Paperless na, BSP compliant pa!

TRANSACTION REPORTS

Sa all-in-one platform na ito, maaaring i-check ang iyong transaction history at marami pang iba! Hindi na kailangan pang pumunta sa portal!

READY FOR UPDATES

Wala nang makakapigil sa tuloy-tuloy na pag-enjoy mo ng mga parating na value added features and services! Android phone* lamang ang kailangan.

Alam naming malaki ang naitulong ng G8 device sa paglago ng inyong negosyo at sa pagkabuo ng tiwala ng inyong mga suki ngunit para makasigurong kasali ang iyong negosyo sa makakaranas ng new and improved TrueMoney services, kinakailangang lumipat sa paggamit ng NegoApp. Android phone lamang ang kailangan para ma-enjoy ito!

FAQ:

Ano ang mangyayari sa araw ng upgrade mo?

Step 1: Hihingan ka ng mobile number sa current Truemoney G8 device.

Step 2: Makakatanggap ng OTP via SMS. I-type ito sa G8 device.

Step 3: Makakatanggap PIN at download link via SMS.

Step 4: Go to the Google Play Store and install the new TrueMoney NegoApp on your android phone!

PAALALA: HUWAG IBIGAY ANG ACCESS SA IBA

*Mobile phone must be at least an Android 5.0 (Lollipop) or higher and 1.5GB of RAM or higher with sufficient internet connection.

Ano ang TrueMoney NegoApp?

Ito ay isang enhanced system version o app na mas pinaganda, mas pinabilis, at upgraded na TrueMoney services para sa mas maging secure at reliable experience sa bawat transaction. Kailangan ng android phone* para ma-install ito.

Pwede ko pa bang gamitin ang G8 device ko? Kailangan ko bang mag-upgrade?

Ang upgrade na ito ay para sa lahat. Hindi na kakayanin ng G8 device ang upgraded features. Bukod dito, may added security features ang app for BSP compliance na hindi kaya ng lumang system.

Para maenjoy ang value added features and services, android phone* lamang ang kailangan.

Paano ako makakapag-print ng resibo? Ito ang laging hanap ng customers ko. 

May share button ang app para madaling i-send sa customers ang transaction details. Maaari pa rin itong i-print kung may available na bluetooth printer. May automated SMS pa rin na matatanggap ang customer sa bawat transaction.

Ano ang mangyayari sa binayad ko para sa G8 device?

Ang initial payment ay fee sa paggamit ng TrueMoney platform as an agent. Ang device ay nananatiling pagmamay-ari pa rin ng TrueMoney ayon sa pinirmahang Agent Agreement. Itago sa safe at secure na lugar ang device. Please standby for further announcements kung paano maibabalik ang device sa TrueMoney.

Bakit kailangan i-upgrade ang system?

Ito ay isinagawa para makapag-comply tayo bilang TrueMoney centers sa stricter implementation ng BSP regulations para maka-iwas sa scam at fraudulent transactions. Sa bagong app, lahat ng agents ay makakaranas ng new and exciting features.

Paano kung iPhone user ako?

Compatible lamang ang system sa android phones. Minimum lamang ang requirements nito:

*Mobile phone must be at least an Android 5.0 (Lollipop) or higher and 1.5GB of RAM or higher with sufficient internet connection.

Subscribe to our Newsletter