fbpx
Feature image

Mahalagang Updates mula sa TrueMoney: Ang TrueMoney NegoApp

Ka-True,

Taos-pusong pasasalamat sa suporta na ibinibigay niyo bilang isang TrueMoney Center! Kami ay masaya na maging bahagi ng inyong negosyo sa gitna ng lahat ng pagbabago, kasama na dito ang ating TrueMoney NegoApp.  

Ang TrueMoney NegoApp

Simula 2016, pinagsisikap ng TrueMoney na magbigay ng magandang serbisyo upang lumago ang inyong negosyo. Kung dati ay phone top-up lamang ang available sa karamihan ng tindahan, napalaki at naparami ito ng TrueMoney. Nagkaroon ng dagdag na mga serbisyo para sa mga suki tulad ng bills payment, domestic at international remittance, GCash, insurance, at iba pa. Nagawa namin ito sa tulong ng innovations at technology na nagpapatakbo ng TrueMoney. 

Ngayong 2021, halos 5 taon na ang naunang TrueMoney system. Tunay na mahusay ang ating nakasanayang system ngunit tulad ng ibang technology sa inyong smartphone at apps, ang TrueMoney ay kinakailangan rin ng malakihang upgrade. Ang improvement na ito ay sa pamamagitan ng TrueMoney NegoApp na naglalayong higit na mapabuti at maihanda ang TrueMoney at ang mga TrueMoney Centers para sa long-term growth. 

Bakit kailangan ang TrueMoney NegoApp?

Ang TrueMoney NegoApp ay kinakailangan dahil sa:

  • BSP compliant ito at may additional security features.
    • Bilang TrueMoney Center, tayo ay nagbibigay ng financial services na kinakailangang sumunod sa BSP guidelines tulad ng kaukulang aksyon kaugnay ng fraud at money laundering. Dahil dito, binuo ang NegoApp para mas secure ang transactions at maprotektahan ang negosyo mo. Siniguro ito sa pamamagitan ng back-end system improvements at ang pagkakaroon ng pinadaling electronic KYC o eKYC

  • Mapapabilis ang pag-launch ng mga bagong produkto o serbisyo para mapalago pa ang inyong negosyo.
    • Sabay sa paglaki ng bilang ng TrueMoney Centers ay ang pagdami din ng ating partners. Dahil dito, kailangan ang NegoApp system para sa mas mabilis at secure na service o product launch.  

Magiging available na ang mga bagong products at services sa mga susunod na buwan. Kaya naman asahan na higit na makakatulong ang mga ito sa paglaki ng inyong kita at makakahikayat ng mas marami pang mga suki. 

More improvements para sa inyo

Ngayong nakumpleto na ang system upgrade, ang focus ng TrueMoney ay maisaayos at ma-improve ang paggamit nyo ng NegoApp. Kami ay patuloy na bukas at makikinig sa concerns o issues na dala ng upgrade.  

Alam po naming medyo naging mahirap sa ilang TrueMoney Centers ang pag-upgrade. Hiling lang namin ang inyong pag-unawa sa mga darating na araw habang isa-isang inaasikaso ang bawat concerns ninyo. Pinagsisikapan namin masagot at masolusyonan ang lahat ng ito dahil pinapahalagahan namin ang kapakanan ninyo at ng inyong TrueMoney services.  

Muli, nagpapasalamat kami at hangad naming maihatid ang quality service na naibigay namin sa inyo sa mga nakaraang taon. Ginagawa namin ang lahat sa mabilis na panahon upang higit na gumanda ang aming serbisyo at tunay na makatulong ang TrueMoney sa inyo at sa inyong mga suki.


Sa ating patuloy na pag-asenso,
Your TrueMoney Family


Subscribe to our Newsletter