Paano Mag-Domestic Remittance sa NegoApp
Magpadala ng pera anywhere in the Philippines through your NegoApp at i-offer ang service sa iyong customers. Follow the steps below to start processing Domestic Remittance transactions!
Step 1
Pumunta sa iyong NegoApp Home page/screen at i-tap ang Domestic Remittance icon.
Step 2
I-select lamang ang Send Money mula sa Transaction options.
Step 3
From the list of providers, i-select lamang ang TrueMoney mula sa options.
Step 4
In the next screen, i-fill ang details ng Sender’s mobile number at amount na balak i-remit.
Step 5
Makakukuha ng OTP through SMS ang customer or sender and will go through eKYC process kung hindi pa nakapag-eKYC noon.
Note: For security purposes, kailangan ang OTP in order to start the eKYC process.
Step 6
In the next screen, kailangan ilagay ang receiver information gaya ng Name, Address at Reason for Remittance at iba pa upang mapadali ang pag-receive sa padala then click Continue.
Anong information ba ang kailangan sa eKYC process?
Bukod sa iyong basic information like your Full Name, Address, Birthdate, Birthplace, Gender at ID Type, you will be asked to upload the front and back of your ID and your signature.
Step 7
Sa susunod na screen ay ipapakita ang final details, at kailangang i-tap ang Confirm to process payment.
Step 8
Once na-process na ang payment ay lalabas na ang online receipt na naglalaman ng transaction summary.
Note: Makakatanggap ang customer ng SMS transaction slip. Maaari rin i-email ang resibo sa customer by pressing the “Share Receipt” button mula sa TrueMoney NegoApp.
Kung ikaw naman ay naka-N3 device, maaring ma-print ang notification bilang transaction slip. Kung tayo naman ay naka-app, maaari tayong mag-install ng bluetooth printer at magprint ng resibo”.
Kung ikaw ay may concerns o questions tungkol sa NegoApp, mag-message sa TrueMoney Customer Loyalty team via Facebook Messenger o mag-email sa [email protected].
‘Wag kalimutang i-send ang mga sumusunod na detalye para mas madali naming masagot ang iyong concern:
EDC S/N:
PA Name:
Store Name:
Or if you’re using mobile app i-provide lamang ang details na ito:
Mobile Number:
Agent ID: