fbpx
Feature image

FAQ: Performance Improvement Plan (PIP)

  • Ano ang eKYC at ano ang kahalagahan nito?

Ang eKYC o electronic Know Your Customer ay parte ng requirements ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa identity verification ng mga nagta-transact upang masigurong safe at secure ang TrueMoney transactions.

Mahalagang isagawa ng tama ang eKYC dahil makakatulong ito sa TrueMoney Centers na makaiwas sa financial crimes o fraud, at makapag comply sa TrueMoney Agent Agreement at BSP guidelines.

  • Ano Ang Performance Improvement Plan (PIP)?

Alinsunod sa mga regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, responsibilidad natin na siguraduhing tama ang mga impormasyong binibigay at ating pinoproseso kapag tayo ay nagre-remittance.

Layon ng Performance Improvement Plan na siguraduhing maayos at masinop ang ating pagproseso ng eKYC at remittance ng bawat isa sa ating mga Partner Agents upang hindi maantala ang ating pagseserbisyo sa ating mga customers at patuloy ang kita.

  • Ano ang basehan para malagay sa PIP?

Regular na nagva-validate ang TrueMoney ng mga eKYC transactions ng bawat isa sa ating mga Partner Agents.

Ang isang Partner Agent ay pwedeng malagay sa PIP kung aming na-identify na ang inyong mga eKYC transactions ay may critical errors sa loob ng isang buwan.

Makakatanggap ng letter/email/in-app notification upang ipaalam kung ikaw ay naenrol sa PIP.

  • Ano ang mga Critical eKYC Errors?
  1. Invalid ID o mga ID na expired at hindi parte ng ating listahan ng valid IDs (Please see Ano-ano ang mga valid ID na pwedeng gamitin?)
  2. Hindi malinaw o hindi buong imahe ng ID ang sinubmit
  3. Hindi tugma ang impormasyong nasa ID kumpara sa inilagay sa transaksyon

Note: Hindi kasama sa bilang ng critical errors kung nadiskubreng system issue ang naging sanhi.

  • Paano maiwasang ma-enrol sa PIP?

Dos:

  1. Siguraduhing tama ang impormasyong ginagamit sa pagproseso ng transaction
  2. Siguraduhing valid at tugma ang ID na gagamitin
  3. Siguraduhing malinaw at buo ang imahe ng ID na isusubmit

Donts:

  1. Huwag iproseso ang transaction kung ang customer ay walang valid ID
  2. Huwag gumamit ng special characters sa pag-encode
  3. Huwag gumamit ng blangkong imahe kapalit ng valid ID
  • Ano-ano ang mga valid ID na pwedeng gamitin?
  • Driver’s license
  • Professional Regulation Commission (PRC) ID
  • Postal ID
  • Voter’s ID
  • Taxpayer Identification Number (TIN)
  • Government Service Insurance System (GSIS) e-Card
  • Social Security System (SSS) card
  • Senior Citizen card
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
  • Overseas Filipino Worker (OFW) ID
  • Government office and Government-owned and Controlled Corporation (GOCC) ID (e.g., Armed Forces of the Philippines (AFP), Home Development Mutual Fund (HDMF) IDs)
  • ID issued by the National Council on Disability Affairs
  • Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID
  • Company IDs issued by private entities or institutions registered with or supervised or regulated either by the BSP, SEC or IC (essentially these are company IDs)
  • PhilHealth Health Insurance Card ng Bayan
  • National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
  • Police Clearance
  • Barangay Certification with picture and signature of the customer
  • Seaman’s Book
  • Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
  • Professional ID cards issued by Maritime Industry Authority (MARINA)
  • Anong kailangan kong gawin upang maipasa ang PIP?

Kapag nakatanggap ng PIP letter, kayo po ay bibigyan ng dagdag supporta or dagdag kaalaman sa pagproseso ng eKYC sa bawat transaction upang maiwasan ang mga errors.


Maaari nyo po ma-access ang mga links below bilang gabay sa pagsagawa ng eKYC transactions.

  • Mayroon bang training material na pwede kong gawing reference upang maiwasan ang pagka-enrol sa PIP?

Paano gawin ang eKYC sa NegoApp

Facebook Agent Group

Karagdagan training link sa PA under PIP

  • Ano ang mga Kritikal Error sa mga transaksyon sa eKYC?

Critical Error – ito ang mga error na sanhi ng isang malaking hindi pagtutugma sa ipinakita sa eKYC Profile at ID. Ang mga kadahilanan para dito ay ang mga sumusunod:


• Di-wastong ID – Hindi katanggap-tanggap at di wastong mga ID para sa mga indibidwal tulad ng (Expired na ID, Sertipiko ng mga Botante, Pag ibig Loyalty Card, Walang na-upload na ID at Hindi larawan ng ID ngunit iba pa.
• Malabo / Cropped ID Picture – Cropped, malabo at hindi nababasa ang isinumite na ID
• Mismatch (Taong nasa ID at eKYC Profile) – Lahat ng impormasyon tulad ng Pangalan, Address, Birthdate, atbp ay hindi tumutugma sa ID kumpara sa nasa Profile.
• Mismatch Address – Ang Kumpletong Address ay hindi tugma sa ID kumpara sa nasa Profile.

  • Ano ang iyong batayan para maisama ako sa PIP?

Ang mga batayan ay ang mga Critical Error sa pagproseso ng mga transaksyon sa eKYC na kinilala sa proseso ng pagpapatunay. Kung ang kabuuang mga kritikal na error ay higit sa 10% na threshold, nangangahulugan ito na nabigo kang maisagawa nang tama ang mga transaksyon.

  • Gaano katagal ang PIP Period?

Ang PIP period ay tatakbo ng 2 buwan. Habang naka-enrol sa PIP maari nyo po gamitin ang mga online trainings, courses at FAQ links upang magabayan kayo sa pagsagawa ng eKYC transactions ng walang errors.

  • Ano ang kailangan kong gawin upang maalis ako mula sa PIP?

Sa loob ng 2 buwan, kailangan lamang maiwasan ang mga kritikal errors or findings upang ma-clear tayo sa PIP.

  • Ano ang mga posibleng mangyari kung nabigo ako sa PIP 2?

Posibleng suspensyon ng iyong True Money Account at kung paulit – ulit kang nailagay sa PIP 2, posible na madeactivate ang iyong account.

  • Kanino makikipag-ugnayan para sa karagdagang tulong tungkol sa proseso ng eKYC?

Para sa mga katanungan, huwag mag-atubiling kumontact sa aming Customer Loyalty Team:

Email: [email protected]
Facebook Messenger: m.me/TrueMoneyPH

Nais naming matulungan kayo kaya’t maaari ninyong bisitahin ang mga ito for additional materials:

Paano gawin ang eKYC  
Facebook Agent Group

At bilang karagdagan tulong upang siguraduhing maisasagawa ang tamang KYC process, mangyaring bisitahin ninyo ang refresher training  na ito at sagutan and maikling assessment na kinakailangan upang aming masiguro na naintindihan ninyo ng tama and KYC process alinsunod sa patakaran ng BSP.

AML refresher training and assessment 

Subscribe to our Newsletter