Bagong Partner ng TrueMoney ang Coins.ph
Ang Coins.ph ang newest addition sa e-wallet partners ng TrueMoney at available ang cash in sa lahat ng TrueMoney Centers nationwide! Walang transaction limit dito.
Plus, sa TrueMoney Center ang may pinakamababang cash in service fee sa lahat ng over-the-counter partners ng Coins.ph! May 1.20% na customer fee o P12 sa bawat P1,000 na cash in transaction.
Sino ang pwedeng mag-Coins.ph Cash In?
Maaaring mag-cash in ang TrueMoney customers na may Coins.ph account o wallet.
Paano gawin ang Coins.ph Cash In transactions sa iyong NegoApp?
Sundan ang steps na ito:
- I-press ang Coins.ph sa homescreen ng iyong NegoApp. Select Cash In
- Ilagay ang reference code at mobile number ng customer OR i-scan ang barcode. Valid ang code ng 72 hours.
- I-verify sa customer kung tama ang cash in details. Press Confirm.
- Kunin ang payment katumbas ng cash in amount at service fee galing sa customer.
Success! Maaaring i-print o i-share ang resibo sa customer.