fbpx

Now Available: GCash Cash-In Service

Good news! Ikinagagalak naming ibalita na available na ang GCASH cash-in service sa lahat ng TrueMoney Centers!

BENEFITS NG GCASH CASH-IN:

  1. PALAKIHIN ANG KITA
    0.5% ng cash-in amount ang kita kada cash-in. Sa P1,000 cash-in, P5 ang kita. Mas malaking kita kaysa sa billspay!
  2. PALAKASIN ANG NEGOSYO
    Kalakasan ng pag-Cash-In ngayong papalapit na pasko!
    Madalas mag-Cash-In ang mga GCash Customer! Higit sa 2x kada buwan!
  3. PARAMIHIN ANG CUSTOMERS
    Ang GCash ay kilala bilang isa sa mga pinakamalaking e-Wallet sa Pilipinas. Libre kay customer ang pag-Cash-In kaya siguradong mas marami ang pupunta sa inyong tindahan!
    *Paalala: Automatic na papasok ang kita sa iyong account, Huwag maningil ng karagdagang convenience fee.

Frequently Asked Questions:

  1. Sino ang maaring magcash-in?
    Lahat ng may GCash account ay maaaring magcash-in sa lahat ng TrueMoney Centers.
  2. Available ba ito nationwide?
    Oo. Magiging available ang GCash Cash-In Service sa lahat ng TrueMoney Centers.
  3. Maari bang maningil ng Convenience Fee ang TrueMoney Agent?
    Hindi. Libre ang pagcash-in ni customer. Ang kita ni TrueMoney agent ay automatic na mapupunta sa kanyang account.
  4. Paano magtransact ng GCash Cash in?
    Sundan lamang ang maikling gabay na ito:

Step 1: Piliin ang Pera In sa device menu

Step 2: Piliin ang GCash

Step 3: Hingin ang Cash-In Code ni suki. Ang cash-in code ay mahahanap sa GCash App ng customer.

Step 4: Input ang GCash Cash-In Code sa iyong device

Step 5: Tanggapin ang cash at pindutin ang [ENTER]


Reminders:

  1. Ang service na ito ay available sa lahat ng TrueMoney Partner Agents.
  2. I-check ang TrueMoney device para malaman kung ikaw ay may Cash-In service.
  3. Siguraduhin na may laman ang inyong TrueMoney Wallet.

Subscribe to our Newsletter