Claim U Cash Padala from USSC sa TrueMoney Centers
Remittance partner na ng TrueMoney ang USSC! Kaya naman maaari nang tumanggap ng U Cash Padala from USSC sa TrueMoney Centes na may domestic remittance service.
Paano tumanggap (remittance cash pick-up) ng U Cash Padala sa TrueMoney?
- Kunin ang PADALA CONTROL NUMBER (SP + 13 digit code) from the SENDER.
- Pumunta sa TrueMoney Center at ibigay ang padala control number at valid ID para ma-process ang cash pick-up.
Success! Makukuha mo na ang U Cash Padala!
Bukod sa padala code at valid ID, may kailangan pa ba para sa cash pick-up?
Tandaan na dapat pareho ang pangalan na binigay ng SENDER at ang pangalan ng receiver na naka-reflect sa valid ID.
May bayad o fee ba ang cash pick-up?
Libre ang cash pick-up para sa receivers o sa tatanggap ng U Cash Padala.
Humanap ng TrueMoney Center na malapit sayo. I-check ang link na ito: https://truemoney.com.ph/locator/ at click ang International Remittance box.