Agent Inactivity fees FAQs
Bakit ako kasama dito?
Base sa aming checking, ikaw ay isa sa mga TrueMoney centers na inactive o walang Transactions for the last six (6) months.
Paano maiiwasan ito?
Para maiwasan ang inactivity fees, mag-transact lamang ng kahit anong TrueMoney services sa loob nitong buwan. Maaaring mag-transact ng bills payment, eWallet cash in/out, o kaya remittance.
Anong mga transactions ang pwede ko gawin para dito?
Maaaring mag-transact ng bills payment, eWallet cash in/out, o kaya remittance basta gamit ang TrueMoney NegoApp sa pag-transact. Kahit alin sa mga TrueMoney services ang maaaring i-transact para maiwasan ang inactivity fees ngunit siguraduhin na ito ay valid at hindi irereverse.
May minimum amount ba na dapat i-transact?
Sa ngayon, wala pang minimum amount na dapat abutin para maiwasan ang inactivity fees. Basta ikaw ay makapag transact ng isang (1) beses gamit ang iyong TrueMoney NegoApp, maiiwasan mo ang inactivity fee.
Bakit may inactivity fees? Bakit kinakailangan magkaroon ng inactivity fees?
Ang inactivity fee ay para sa maintenance ng ating system. Sinisigurado natin na ang mga accounts ay nananatiling aktibo at patuloy ang kita ng lahat ng ating Trumoney Centers
Magkano ang inactivity fee?
Ang inactivity fee ay P100 lamang.
Ilang beses ako sisingilin ng inactivity fee?
Ang P100 na inactivity fee ay sisingilin sa isang TrueMoney center na hindi nakakapag transact for at least 6 months. Ito ay magiging monthly fee hanggang sa mag-transact ang TrueMoney center.
Bakit hindi ako nakatanggap ng abiso para dito?
Kayo ay nakatanggap ng abiso sa inyong registered mobile number at registered email address. Kung kinakailangan ninyong mag-update ng contact details or kahit anong store details, please send us an email at [email protected]
Paano kung nakalimutan ko ang account details ko?
Maaari mo pa rin ma-access ang iyong TrueMoney account! Please send us the following: TrueMoney Store Name, Store Owner Name, Registered Mobile Number to [email protected] para matulungan ka namin sa pag-access ng inyong account.
Paano ko malalaman kung kasama ako dito?
Ang mga TrueMoney Centers na maaaring ma-charge ng inactivity fees ay makatatanggap ng official SMS from TrueMoney. Maaari ka rin mag-email sa [email protected] para alamin kung kasama ang iyong TrueMoney center.