Mahalagang Updates mula sa TrueMoney
Service Advisory Updates:
Good news, ka-True! Narito ang list new billers para sa ating bills payment service:
- EasyTrip
- MARINA (Maritime Services)
- PNP (Fee for Firearms License)
- Commission on Filipino Overseas (Pre-departure fees)
- LGU Manila
- LGU Paranaque
- LGU Cauayan City
- LGU Mati City
- LGU Trece Martires
- LGU Carmona
- LGU Tanauan
- LGU Kawit
- LGU Dasmarinas
At dahil sa gusto namin mas palawakin pa ang ating serbisyo at lumago ang iyong negosyo, abangan ang 100+ new additional billers this year!
Sa pagdagdag ng mga billers na ito, sigurado kami na madagdagan pa ang mga suki na patuloy natatangkilik sa bills pay service sa iyong tindahan. Sa katunayan, inaasahan namin na maaaring mag-bills pay ang bawa’t isang customer ng higit pa sa limang beses kada buwan!
Upang patuloy na matugunan ng TrueMoney ang inyong mga pangangailangan, nais namin ipaalam na magkakaroon ng ₱ 2 commission adjustment sa lahat ng bills payment sa darating na June 1, 2023. Asahan na patuloy na pinagpapabuti ng TrueMoney ang aming mga serbisyo upang higit na mapaganda ang inyong mga negosyo.
Bukod sa mas pinaraming billers, abangan ang iba pang cash in partners, International Remittance services, at marami pang iba na madadagdag sa TrueMoney centers niyo ngayong taon. Maraming salamat po.