fbpx

Instant and Free Fund-in via BDO Online Bills Pay!

Hassle-free na ngayon ang pag fund-in via BDO Online Bills Pay. Follow these easy steps:

Mayroong dalawang paraan para makapag fund-in via BDO Online Bills Pay.

Via Mobile App

  1. Buksan ang BDO Mobile App. Piliin Pay sa home screen, at hanapin ang Bills Pay.
  2. Piliin ang TrueMoney Philippines Inc. sa listahan ng billers.
  3. Ilagay ang iyong Fund-in code (Reference / Subscriber No.), Fund-in Amount, at Account Name. I-confirm ang transaction o pindutin ang validate transaction via Pay button .
  4. Once successful ang iyong transaction, ikaw ang makakatanggap ng e-receipt at Reference No. 

Via Website 

  1. Pumunta sa https://online.bdo.com.ph/
  2. Piliin ang Bills Pay and Reload sa home screen menu. 
  3. Kung hindi pa enrolled ang TrueMoney sa iyong billers list, i-tick lamang ang box with “Pay a Company/Biller that is not yet enrolled” upang lumabas sa billers list ang TrueMoney Philippines, Inc. 
  4. Piliin ang TrueMoney Philippines Inc. sa listahan ng billers.
  5. Ilagay ang iyong Fund-in code (Reference / Subscriber No.), Fund-in Amount, at Account Name. I-confirm ang transaction o pindutin ang validate transaction via Continue button.
  6. Once successful ang iyong transaction, ikaw ang makakatanggap ng e-receipt at Reference No. 

Anong fund-in code ang gagamitin ko para sa BDO Online Bills Pay fund-in?

Gamitin ang fund-in code na mahahanap sa iyong TrueMoney NegoApp. Sundin lang ang instructions na ito para makita ang iyong code: 

Step 1: Pindutin ang Account sa iyong home screen

Step 2: Pindutin ang iyong agent ID or agent Name

Step 3: Hanapin ang “Fund-in Code” 

Gaano katagal bago ko matanggap ang fund-in ko pag ito ang ginamit ko na fund-in channel? 

Ang good news ay ang mga fund-in via BDO Online Bills Pay ay INSTANT at REAL TIME na papasok sa iyong TrueMoney account. Hindi na kailangan mag-email at maghintay bago ito pumasok sa account mo kaya paniguradong tuloy tuloy lang ang kita! 

PAALALA: Fund-in cut-off for BDO Online Bills Pay is at 9:00 PM daily. Fund-in request transactions from 9:00 to 11:59 PM will be processed within 24-48 hours.

Pwede ko ba ito gamitin kahit weekend o holiday? 

Oo! Available ang fund-in via BDO Online Bills Pay kahit weekend at holiday during 12:00AM to 9:00PM. Paniguradong INSTANT at REAL-TIME mo matatanggap ang iyong fund-in kaya tuloy tuloy lang ang kita! 

Magkano ang charge sa fund-in via BDO Bills Pay? 

LIBRE at walang TrueMoney o BDO charge para makapag fund-in via BDO Online Bills Pay. 

Magkano ang maximum fund-in amount na pwede kong i-pondo via BDO Online Bills Pay? 

Mayroong maximum  fund-in limit si BDO na P300,000 per transaction.

Kailangan ko ba ng BDO account para makapag fund-in via BDO Online Bills Pay? 

Oo, kinakailangang ikaw ay BDO account holder para makapag fund-in via BDO Online Bills Pay. Maaari mag bukas ng BDO account via the mobile app or pumunta sa nearest BDO branch to register.

Subscribe to our Newsletter