Paano ba maiwasan ang NegoApp errors?
Minsan hindi maiiwasang makaranas ng failed transactions dahil sa iba’t ibang rason pero kayang kaya mo ‘tong maayos upang makapag-bigay serbisyo sa mas madaming suki at mas lumaki pa ang kita.
Sa mga sitwasyong makakaranas ka ng isang failed transaction o device error, maaari mong subukan ang mga susunod na tips:
.
Bago ang lahat, siguraduhing tama ang mga detalyeng ini-input para sa iyong mga transaksyon.
Sa bawat transaction, kailangang sakto at tama lagi ang mga information na nilalagay. Halimbawa, sa pag-inuput ng amount, dapat sakto. Kung P1445.60 ang bill, kailangang saktong P1445.60 ang ilagay. Wag i-round off.
.
Tip # 1 – Ugaliing icheck ang balanse kung ito’y nabawasan o hindi bago magreprocess. Icheck din kung may natanggap na confirmation text (SMS)
.
Kung may natanggap na SMS confirmation, maaaring ireprint ang resibo ng transaction gamit ang transaction number na mahahanap sa SMS. I-reprint ang resibo sa pamamagitan ng pagpunta sa Agent Menu > Transaction Inquiry
Tip # 2 – I-check kung updated ang version ng TrueMoney device mo
Sinisigurado ng TrueMoney technology team na tuluy-tuloy ang pagpapaganda sa systema ng TrueMoney at pagbigay ng bagong mga serbisyo na dadagdag sa inyong kita. Upang masigurado na matatanggap ng iyong device ang updates at makaiwas sa mga errors,
Ang TrueMoney NegoApp ay nakakatanggap ng technology updates regularly at dapat sinusunod ang pag-update ng version. Kung hindi mo nagawa ang pag-update ng device, i-update ang device sa latest version.
Tip # 3 – Siguraduhing may signal
Minsan, mahina talaga ang signal ng Smart o Globe sa iba’t ibang lugar dahil sa iba’t ibang rason. Pero isa ito sa mga madalas na dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang transaction mo. I-check kung may signal kung may bars ang signal bar. Kung wala, subukang lumipat lipat ng pwesto para makasagap ng signal at kung wala padin, i-restart ang device at i-check ulit.
.
Tip # 4 – I-on and i-off ang TrueMoney device or smartphone
Maaari mong i-restart ang iyong TrueMoney device. Palipasin munang naka-off o naka-patay ang device nang limang minuto at i-on ulit.
.
Tip # 5 – Kung N3 POS device ang gamit mo, baka mahina ang iyong internet: kumonekta sa LAN cable
Maaari mong din i-connect ang iyong TrueMoney device gamit ang LAN cable para sa direktang connection sa Internet. Pwede mo din gawin ito kapag mahina ang signal sa iyong lugar.
Kung hindi padin sapat ang mga tips na ito, laging handang tumulong ang TrueMoney customer service team.
- Mag-send ng message sa TrueMoney Partners Official Facebook Group
- Mag-send ng email sa [email protected]
- Magtext sa Globe: 0977 806 3773 o Smart: 0998 565 9999
- Tumawag sa aming hotline, 02 7718-9999