Anong gagawin ko kung wala akong natanggap na SMS mula sa TrueMoney?
Ikaw ba o si suki ay walang natanggap na SMS mula kay TrueMoney? Hindi pa ba dumarating ang iyong padala code o kaya ang SMS receipt? Narito ang mga steps na pwede mong gawin:
Step 1: Tingnan kung ang mobile phone ay may signal.
Step 2: Kung ang mobile phone ay may signal, tingnan kung may sapat na storage pa ang mobile phone at pwede pa itong makatanggap ng mga text messages. Kung maaari, mag-send ng test message sa mobile number na hindi nakakatanggap ng text mula sa TrueMoney.
Step 3: Subukang i-restart ang mobile phone.
Step 4: Kung nagawa na ang lahat ng steps, at wala pa rin natatanggap na SMS, maaari mag message sa TrueMoney Customer Loyalty team via Facebook Messenger o Email sa [email protected] gamit ang email subject na Resend SMS. Wag kalimutang i-send ang mga sumusunod na detalye:
Customer:
- Sender Number (Para sa mga Padala Transactions)
- Receiver Number (Para sa mga Padala Transactions)
- Amount
- Date of Transaction
- Transaction Number
Agent:
- EDC Serial Number
- Agent Name
- Store Name
- Sender Number
- Receiver Number
- Amount
- Date of Transaction
Ang turnaround time sa pag-request ng resend SMS via email o Facebook messenger ay within 3 hours.