fbpx
Feature image

Paano maiwasan ang bills payment transaction error?

Parati ka nalang ba naaabala sa mga Bills payment transaction errors? Tingnan ang guide na ito para maiwasan ang mga bills payment transaction errors para paniguradong tuloy tuloy ang business! 

Tip 1: Kapag may dadating na customer, siguraduhin na dala ni customer ang latest bill pati na rin ang bayad para sa bill na dala niya. 

Tip 2: Para sa mga billers na tumatanggap ng partial payments, linawin kay customer kung gusto ba niya magbayad in full o partial at kung magkano ang babayaran niya.

Tip 3: Maging maingat sa pag-input ng mga detalye ni customer sa iyong device para makaiwas sa errors. 

Tip 4: Bago i-confirm ang bills payment transaction, tiyakin at i-check na tama ang lahat nang detalye na na-input. 

Tip 5: Bago umalis si customer sa iyong TrueMoney center, siguraduhing nakatanggap siya nang SMS confirmation mula sa TrueMoney na nagpapatunay na natuloy ang kanyang bills payment request. 


Paano kung nagkamali ako sa pag-process ng bills payment?

Sa panahon na hindi maiwasan ang maling transactions dahil sa mali ang detalye na nailalagay, nadodoble ang transaction, o sobra ang amount, mag-apply para sa reversal process upang ma-refund ang bayad ni customer. 

Link sa step-by-step guide ng reversal process: click here

Dahil ang pagproseso ng mga reversals ay naka-depende sa Bayad Center, ECPay, at sa mga billers, maaaring tumagal ang pagproseso ng mga reversals. Magpapadala kami ng mga updates kapag inapprove na ng biller ang reversal request niyo. Hanggat maari, laging i-review ang transactions para maiwasan ang errors.

Subscribe to our Newsletter