Paano Mag-cancel ng Domestic Remittance transaction sa TrueMoney NegoApp?
Gusto i-cancel ni customer ang transaction? Follow these easy steps para iwas hassle!
PAALALA: Maari lamang gawin ang cancellation ng Domestic Remittance transaction through the agent na nag-send or process ng pera. Hindi ito kayang i-cancel ng ibang TrueMoney agents.
Step 1
Pumunta sa iyong NegoApp Home page/screen at i-tap ang Domestic Remittance icon.
Step 2
From the options, i-tap lamang ang Cancel a remittance option.
Step 3
In the next screen, i-tap lamang ang TrueMoney.
Step 4
Sa susunod na screen, you will be asked to Locate Transaction. Ilagay lamang ang Transaction Reference Number or Padala Code na na-receive ni customer through SMS at ang Sender’s Mobile number. Tap Continue kung tama ang details.
Note: Ang OTP via SMS ay valid lamang for 3 minutes. Huwag i-share ang iyong ID, password, PIN & OTP to anyone. TrueMoney and its employees will never ask you to share these. If you didn’t request this, call 0277189999.
Step 5
I-enter lamang ang 6-digit Padala Code sa field provided.
Step 6
Kung tama ang code, in the next screen you will be asked to Confirm Payment. I-check lamang kung tama ang Sender name, Sender Mobile Number at Receiver Mobile Number. Kung tama ang details ay i-click ang Confirm to process your customer’s cancellation.
Step 7
After confirming, you will be taken to the Payment Successful screen and you will be receiving an online receipt that contains details such as Txn ID, Sender name, Sender/Receiver Mobile Number and Total amount.
Note: Makatatanggap ang customer ng SMS transaction slip. Maaari rin i-email ang resibo sa customer by pressing the “Share Receipt” button mula sa TrueMoney NegoApp.
Kung ikaw naman ay naka-N3 device, maaring ma-print ang notification bilang transaction slip. Kung tayo naman ay naka-app, maaari tayong mag-install ng bluetooth printer at magprint ng resibo”.
Kung ikaw ay may concerns o questions tungkol sa NegoApp, mag-message sa TrueMoney Customer Loyalty team via Facebook Messenger o mag-email sa [email protected].
‘Wag kalimutang i-send ang mga sumusunod na detalye para mas madali naming masagot ang iyong concern:
EDC S/N:
PA Name:
Store Name:
Or if you’re using mobile app i-provide lamang ang details na ito:
Mobile Number:
Agent ID: