Articles /
TrueMoney Center Announcement
Now Available: GCash Cash-In Service
Good news! Ikinagagalak naming ibalita na available na ang GCASH cash-in service sa lahat ng TrueMoney Centers!
BENEFITS NG GCASH CASH-IN:
- PALAKIHIN ANG KITA
0.5% ng cash-in amount ang kita kada cash-in. Sa P1,000 cash-in, P5 ang kita. Mas malaking kita kaysa sa billspay! - PALAKASIN ANG NEGOSYO
Kalakasan ng pag-Cash-In ngayong papalapit na pasko!
Madalas mag-Cash-In ang mga GCash Customer! Higit sa 2x kada buwan! - PARAMIHIN ANG CUSTOMERS
Ang GCash ay kilala bilang isa sa mga pinakamalaking e-Wallet sa Pilipinas. Libre kay customer ang pag-Cash-In kaya siguradong mas marami ang pupunta sa inyong tindahan!
*Paalala: Automatic na papasok ang kita sa iyong account, Huwag maningil ng karagdagang convenience fee.
Frequently Asked Questions:
- Sino ang maaring magcash-in?
Lahat ng may GCash account ay maaaring magcash-in sa lahat ng TrueMoney Centers. - Available ba ito nationwide?
Oo. Magiging available ang GCash Cash-In Service sa lahat ng TrueMoney Centers. - Maari bang maningil ng Convenience Fee ang TrueMoney Agent?
Hindi. Libre ang pagcash-in ni customer. Ang kita ni TrueMoney agent ay automatic na mapupunta sa kanyang account. - Paano magtransact ng GCash Cash in?
Sundan lamang ang maikling gabay na ito:
Step 1: Piliin ang Pera In sa device menu
Step 2: Piliin ang GCash
Step 3: Hingin ang Cash-In Code ni suki. Ang cash-in code ay mahahanap sa GCash App ng customer.
Step 4: Input ang GCash Cash-In Code sa iyong device
Step 5: Tanggapin ang cash at pindutin ang [ENTER]
Reminders:
- Ang service na ito ay available sa lahat ng TrueMoney Partner Agents.
- I-check ang TrueMoney device para malaman kung ikaw ay may Cash-In service.
- Siguraduhin na may laman ang inyong TrueMoney Wallet.