Available na ang U Cash Padala cash pick-up sa TrueMoney!
Remittance partner na ng TrueMoney ang USSC! Kaya naman maaari nang tumanggap ng U Cash Padala from USSC sa TrueMoney Centes na may domestic remittance service.
Saan available ang U Cash Padala cash pick-up?
Pwedeng kunin ng customers ang U Cash Padala remittance sa TrueMoney Centers na may domestic remittance service.
Wala pang remittance service? Upgrade na! Click here: bit.ly/TMN-Padala-Upgrade
Paano gawin ang U Cash Padala cash pick-up transactions sa iyong NegoApp?
Para sa mas detalyadong steps, basahin ang mga sumusunod:
- I-press ang Domestic Remittance sa homescreen ng iyong NegoApp.
- Select Receive Money at i-tap ang TrueMoney logo.
- Ilagay ang SP + 13 digit U Cash Padala Control Number, receiver name at mobile number.
- Piliin ang Purpose of Transaction at Relationship to Sender.
- I-verify ang ID at name ng receiver and press Continue.
- Makatanggap ng OTP ang customer. I-key in ito sa NegoApp.
- Isagawa ang eKYC at ilagay ang receiver’s details.
Note: One-time registration lamang ito, kung registered na ang mobile number ng customer ay hindi na kailangang gawin ulit ang eKYC.
- I-verify sa customer kung tama ang mga detalye then press Confirm.
Success! Makukuha na ni suki ang U Cash Padala!
May bayad o fee ba ang cash pick-up?
Libre ang cash pick-up para sa receivers o sa tatanggap ng U Cash Padala. Ang kailangan lamang ibigay ng receiver ay ang padala code, valid ID, at ang kanyang mobile number.