BPI QuickPay fund-in FAQs
Instant and Free Fund-in via BPI QUICK PAY!
Mayroong dalawang paraan para makapag fund-in via BPI QuickPay.
Hassle-free na ngayon ang pag fund-in via BPI Quick pay
Follow these easy steps:
Via Mobile App
- Buksan ang BPI Mobile App. Swipe up at piliin ang BPI QuickPay
- Piliin ang TrueMoney sa listahan ng billers
- Ilagay ang iyong fund-in code, amount na nais i-fund-in, at email address. I-confirm ang transaction o pindutin ang validate transaction
- Mag-log in sa iyong BPI Online Account at pindutin ang Accept
- Ilagay ang OTP na matatanggap via text mula sa BPI
Via Website
- Pumunta sa https://bpiquickpay.com/
- Piliin ang TrueMoney sa listahan ng billers
- Ilagay ang iyong fund-in code, amount na nais i-fund-in, at email address. I-confirm ang transaction o pindutin ang validate transaction
- Mag-log in sa iyong BPI Online Account at pindutin ang Accept
- Ilagay ang OTP na matatanggap via text mula sa BPI
Anong fund-in code ang gagamitin ko para sa BPI QuickPay fund-in?
Gamitin ang fund-in code na mahahanap sa iyong TrueMoney NegoApp. Sundin lang ang instructions na ito para makita ang iyong code:
Step 1: Pindutin ang Account sa iyong home screen
Step 2: Pindutin ang iyong agent ID or agent Name
Step 3: Hanapin ang “Fund-in Code”
Gaano katagal bago ko matanggap ang fund-in ko pag ito ang ginamit ko na fund-in channel?
Ang good news ay ang mga fund-in via BPI QuickPay ay INSTANT at REAL TIME na papasok sa iyong TrueMoney account. Hindi na kailangan mag-email at maghintay bago ito pumasok sa account mo kaya paniguradong tuloy tuloy lang ang kita!
Pwede ko ba ito gamitin kahit weekend o holiday?
Oo! Available ang fund-in via BPI QuickPay 24/7 kahit weekend at holiday. Paniguradong INSTANT at REAL-TIME mo matatanggap ang iyong fund-in kaya tuloy tuloy lang ang kita!
Magkano ang charge sa fund-in via BPI QuickPay?
LIBRE at walang TrueMoney o BPI charge para makapag fund-in via BPI QuickPay.
Magkano ang maximum fund-in amount na pwede kong i-pondo via BPI QuickPay?
Mayroong daily fund-in limit si BPI na P50,000 ngunit, pwede mo itong baguhin sa iyong settings via your mobile app.
Kailangan ko ba ng BPI account para makapag fund-in via BPI QuickPay?
Oo, kinakailangang ikaw ay BPI account holder para makapag fund-in via BPI QuickPay. Maaari mag bukas ng BPI account via the mobile app or pumunta sa nearest BPI branch to register.