GCash Padala Services
Good news!
Ikinagagalak naming ibalita na malapit nang maging available ang GCASH PADALA service sa TrueMoney Centers! Maari nang magpadala ang GCash users to TrueMoney at available ang cash pick-up sa TrueMoney Center. Dahil dito, pwedeng mag-GCash Padala to non-GCash users o sa kahit kanino na walang GCash account!
Ano ang GCash Padala?
GCash Padala is a GCash app feature where users can send money anywhere in the Philippines via cash pick-up at TrueMoney Centers.
Kanino pwedeng mag-GCash Padala?
Maari nang magpadala ng pera gamit ang GCash to a non-GCash user. Pwedeng i-claim ng non-GCash user ang GCash Padala sa TrueMoney Centers na may Remittance services.
BENEFITS NG GCASH PADALA:
1.PALAKIHIN ANG KITA
Kumita ng 0.4% ng padala amount sa bawat transaction. Sa P2,500 padala, P10* ang kita. Mas malaking komisyon kaysa sa billspay!
2. INSTANT FUND-IN
Automatic na papasok ang kita at padala amount sa iyong account. Huwag maningil ng karagdagang convenience fee sa customer
3.PARAMIHIN ANG CUSTOMERS
Ang GCash ay kilala bilang isa sa mga pinakamalaking e-Wallet sa Pilipinas. Libre kay customer ang cash pick up kaya siguradong mas marami ang pupunta sa inyong tindahan!
*Ang kita sa bawat GCASH PADALA transaction ay mapapailalim sa Expanded Withholding Tax (EWT)** deduction
Paano gawin ang GCash Padala transactions sa iyong NegoApp?
Sundan ang steps na ito:
- I-press ang GCash sa homescreen ng iyong NegoApp.
- Click GCash Padala.
- Ilagay ang reference code, mobile number, amount at pangalan ng customer.
- Hingin ang valid ID ng customer at isagawa ang eKYC.
- I-verify sa customer kung tama ang cash pick-up details. Press Confirm.
Success! Makakatanggap ng SMS ang customer.
Paano magsagawa ng eKYC sa TrueMoney? Click here.
Reminders:
- Ang service na ito ay available sa mga TrueMoney Centers na may remittance service lamang, kung gusto niyo mag karoon ng GCASH PADALA mag apply lamang sa www.bit.ly/TMN-Padala-Upgrade
- I-check ang TrueMoney device para malaman kung ikaw ay may GCash Padala service.
- Siguraduhin na may laman ang inyong TrueMoney Wallet.